Barayti Ng Wika Ano ang Barayti ng Wika? Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko. IDYOLEK pansariling wika ng isang tao Ang bawat tao ay may kanyang sariling idyolek. DAYALEK wikang ginagamit sa partikular na lugar Ang lahat ng tao ay may dayalek. SOSYOLEK nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan — mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; ang kasarian Ang lahat ng tao ay may sosyolek. ETNOLEK nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo EKOLEK kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay Reference: https://www.tagaloglang.com/mga-uri-ng-barayti-ng-wika/
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2018
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Sanhi At Bunga Ano ang Sanhi? Ang sanhi (cause) ay ang tinatawag nating pinagmulan o dahilan ng isang resulta o pangyayari. Karaniwan, ang sanhi ay pinangungunahan ng mga katagang sapagkat, dahil ,at iba pang uri nito. Ano ang Bunga? Ang bunga (effect) naman ang resulta, kinalabasan o ang naging dulot ng isang pangyayari. Dapat ito ay pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari. Sa usaping sanhi at bunga, tinatalakay rito ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ang mga epekto nito. Ang sanhi ay isang ideya. Ang sanhi ay isa namang pangyayari na maaaring maging sa isang bunga. Kung mataas ang score mo sa examdahil hindi ka nagpabaya sa pag-aral, isa itong halimbawa ng sanhi at bunga na teksto. Sa tekstong ito, unang binanggit ang bunga at ang sumunod sa teksto naman ay sanhi. Dapat hindi laging ilagay ang sanhi sa unahan at sa huli ay ang bunga. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang tekstong ito. Ang sabi ng ma...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Pang-Abay Pang-abay (Adverb) Kahulugan: Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri Mga Uri ng Pang-abay Mayroong siyam (9) na uri ang pang-abay. Ito ay ang mga pang-abay na Pamanahon, Panlunan, Pamaraan, Pang-agam, Panang-ayon, Pananggi, Panggaano o Pampanukat, Pamitagan, at Panulad. 1 . P amanahon 2. Panlunan 3. Pamaraan 4. Pang-agam 5. Panang-ayon 6. Pananggi 7. Panggaano o Pampanukat 8. Pamitagan 9. Panulad 1. Pang-abay na Pamanahon Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri:...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
PANG-UKOL Ano ang Pang-ukol? - bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak: sa, sa ilalim, patungo sa, bago - o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap: ng, para sa - morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan at pagbabago sa parirala - kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa Mga uri o mga karaniwang pang-ukol sa/sa mga ng/ng mga ni/nina kay/kina sa/kay labag sa nang may tungkol sa/kay alinsunod sa/kay hinggil sa/kay nang wala para sa/kay laban sa/kay ayon sa/kay tungo sa mula sa HALIMBAWA: 1. Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan. "Ang pangulo "ng" Pilipinas" 2. Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay. "Pusa sa mesa" 3. Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o n...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Pangatnig Ano ang pangatnig? Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap. Halimbawa ng mga pangatnig sa Tagalog : *at *pati *saka *o *ni *maging *subalit *ngunit *kung *bago *upang *sana *dahil sa *sapagka Mga uri ng pangatnig: 1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man. Halimbawa: a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo. b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin. c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan. d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak. 2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana. Halimbawa: a. K...
Antas ng Wika
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Antas ng Wika 1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa ' tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa...