Sanhi At Bunga
Ano ang Sanhi?
Ang sanhi (cause) ay ang tinatawag nating pinagmulan o dahilan ng isang resulta o pangyayari. Karaniwan, ang sanhi ay pinangungunahan ng mga katagang sapagkat, dahil ,at iba pang uri nito.
Ano ang Bunga?
Ang bunga (effect) naman ang resulta, kinalabasan o ang naging dulot ng isang pangyayari. Dapat ito ay pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari.
Sa usaping sanhi at bunga, tinatalakay rito ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ang mga epekto nito.
Ang sanhi ay isang ideya. Ang sanhi ay isa namang pangyayari na maaaring maging sa isang bunga.
Kung mataas ang score mo sa examdahil hindi ka nagpabaya sa pag-aral, isa itong halimbawa ng sanhi at bunga na teksto. Sa tekstong ito, unang binanggit ang bunga at ang sumunod sa teksto naman ay sanhi.
Dapat hindi laging ilagay ang sanhi sa unahan at sa huli ay ang bunga. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang tekstong ito.
Ang sabi ng marami, ganito ang tip, isiping lagi kung ano ang ideya o pangyayari ang siyang naunang naganap at ito ay ang tinatawag na sanhi. At pagkatapos ay isipin naman kung ano ang kinalabasan ng pangyayari at ito naman ay tinatayang bunga.
Madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga sa ating pakikipag-ugnayan sa pang-araw-araw na buhay.
Ang layunin ng sanhi at bunga sa ating pakikipag-ugnayan ay ipakita na kaya nangyari ang isang kaganapan ay may mga dahilang nauna pa rito. At sa gawaing ito ay kailangan nating ianalisa at tingnang mabuti ang isang kaganapan.
Ang komunikasyon na ginagamitan ng sanhi at bunga ay kailangan ng likas na pagkukuro, pakikipagdiskurso at matalinong paninindigan sa pagpapasya maging mahusay rin dapat sa pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga:
• dahil sa
• sapagkat
• nang
• kasi
• buhat
• mangyari
• palibhasa
• kaya
• resulta
• sanhi
• epekto
• bunga nito
• tuloy
Mga Halimbawa:
Mga sanhi at bunga halimbawa o mga halimbawa ng sanhi at bunga ng mga pangyayari:
Nagdala siya ng payong at bota dahil dumadagim na at mukhang mabigat ang mga ulap sa langit.
SANHI: dumadagim na at mukhang mabigat ang mga ulap sa langit
BUNGA: Nagdala siya ng payong at bota
Hindi niya saulo ang mga karapatang pantao dahil hindi siya updated sa kanyang propesyon.
SANHI: hindi siya updated sa kanyang propesyon
BUNGA: Hindi niya saulo ang mga karapatang pantao
Nawala niya ang pinakopyang sanhi at bunga lesson plan kaya magpapakopya ulit siya nito.
SANHI: Nawala niya ang pinakopyang sanhi at bunga lesson plan
BUNGA: magpapakopya ulit siya nito
Hindi niya masagutan ang sanhi at bunga worksheets na takdang-aralin kasi hindi siya nag-review.
SANHI: hindi siya nag-review
BUNGA: Hindi niya masagutan ang sanhi at bunga worksheets na takdang-aralin
Maganda ang ginawa niyang sanhi at bunga ppt sa laptop kaya mataas ang naging grado niya.
SANHI: Maganda ang ginawa niyang sanhi at bunga ppt sa laptop
BUNGA: mataas ang naging grado niya
Isa pang halimbawa ng sanhi at bunga:
Sanhi at bunga ng paninigarilyo:
SANHI: Akala ng naninigarilyo ay hindi ito ganoon kadelikado sa kanyang kalusugan
BUNGA: Kaya nagugulat na lang sila kapag na-diagnose sila na may cancer cells sa katawan
Reference:
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento