PANG-UKOL
Ano ang Pang-ukol?
- bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak: sa, sa ilalim, patungo sa, bago
- o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap: ng, para sa
- morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan at pagbabago sa parirala
- kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa
Mga uri o mga karaniwang pang-ukol
sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
labag sa
nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
nang wala
para sa/kay
laban sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa
mula sa
HALIMBAWA:
1. Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan.
"Ang pangulo "ng" Pilipinas"
2. Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.
"Pusa sa mesa"
3. Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng pansariling pangalan.
"Bahay ni lola", "Napulot nina Gaston at Lefou"
4. Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinuran ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian.
"Ayon sa datos ng United Nation'
5. Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay.
"Regalo para sa guro"
Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
Reference:
https://brainly.ph/question/296982
https://teksbok.blogspot.com/2010/08/pang-ukol.html
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento