tayutay



Tayutay
Kasanayan: Natutukoy ang tamang tayutay sa akdang binasa.


Motibasyon:Kumusta ka na kaibigan? Marahil ay marami ka nang natutunan sa mga nakaraang paksang pinag-aralan natin sa mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong bagong aralin para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko dito. 
  • Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  • Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  • Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.
  • Kamatayan ko man siyay aking puriin.
  • Puriin ko ng siyay angkinin;
  • Angkinin ko ng siyay mahalin,
  • Mahalin ko ng kami ay magsaya.
  • Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
  • Baguhin koman ng itoy magisnan;
  • Magisnan ng lahat ng matalino,
  • Matalino ang mas nakakaalam.
  • Ang lahat na bagay ay siyasatin
  • Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;
  • Sundin moman na walang gawiin,
  • Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.
  • Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  • Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  • Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.
  • Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
  • Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
  • Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.
  • Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
  • Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
  • Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.
  • Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
  • Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
  • Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.
  • Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
  • Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
  • Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)
  • Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.
  • Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.
  • Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy

I.Layunin:
      Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
 a. Naiisa-isa at naibibigay ang kahulugan ng mga uri ng tayutay.
 b. Nakapagbibigay ng halimbawang tayutay. 
c. Nagagamit ang tayutay bilang isang masining na pagpapahayag. 
II.Pagganyak:
     Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko, subukan mo munang sagutin ang pagsusulit sa ibaba upang masukat ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. 
Panuto: Tukuyin mo kung anong uri ng tayutay ang mayroon sa bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang kasagutan.
                     A.Pagwawangis     C. Pagsasatao     B. Pagmamalabis       D. Pagtutulad 
                  1. Amoy basang medyas ang kuwarto natin ngayon! 
                  2. Gaposte na si Marya ngayon. 
                  3. Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala. 
                  4. Kumakaway ang mga bulaklak sa hardin. 
                  5. Pakiramdam ko nililitson ako sa sobrang init.
III. Pagpapalawak ng aralin:
     Handa ka na ba kaibigan? Dumako na tayo sa isa sa mga mahahalagang bahagi ng araling ito. Sa bahaging ito’y tiyak kong marami kang matututunan. Isipin mo lamang na malaki ang kapakinabangan nito sa iyo.

                  Tayutay(Figures of Speech)
   Ang tayutay, o figures of speech sa wikang Ingles, ay ang mga salitang ginagamit upang gawing makulay, matalinhaga, kaakit-akit, at mabisa ang isang pahayag.

Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
Personipikasyon o Pagtatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. ‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi
Pag-uulit
Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
Epipora – Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit – Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag
Katapora – Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel
Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang ako’y gawaran ng unang gantimpala sa pag-awit
Pagmamalabis o Hayperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Panghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:
Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay “pagpapalit o paghalili.”
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.
Paglilipat-wika o Transferred Epithet – tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.
Balintuna – isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.
Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:
1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.
Retorika na Tanong-  hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?
Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)
Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.
     Naunawaan mo ba ang mga ipinaliwanag ko? Ang paggamit ng tayutay ay mas mabisang maipahahayag sa pagsusulat ng isang tula. Subukin mong basahin ang sumusunod na tula at pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong: 
                             Ang Pintor (Jerry Gracio) 
                    Gumuhit siya ng ibon ,Lumipad ito palayo 
                    Gumuhit siya ng isda, Lumangoy ito sa hangin. 
                   Gumuhit siya ng bulaklak, Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
                  Iginuhit niya ang sarili, At inangkin siya ng kambas.
IV. Gawain:
Nagustuhan mo ba ang tula? Anong bahagi ng tula ang lubos mong nagustuhan? Ngayon ihanda mo na ang sagutang papel at sagutin ang sumusunod na gawain. 
MGA TANONG:
 1. Ano ang nangyari sa mga iginuhit ng pintor?
 2. Anong mga salita ang magpapatunay sa inyong sinabi? 
3. Maituturing bang nabigyang-buhay ng pintor ang kaniyang larawan? 
4. Ano ang nangyari sa pintor sa huling dalawang saknong? Nagbigay-buhay ba siya o nasira ang kaniyang buhay?
A. Pagtukoy sa tayutay PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay mayroon ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot.
             A.Pagwawangis    B. Pagsasatao    C. Pagmamalabis        D. Pagtutulad 
 _______1. Sintaas ng Tore ni Babel ang bagong gusali!
 _______2. Kapag mas amoy-paa ang bagoong, mas masarap!
 _______3. Tumatakbo ang oras.
 _______4. Pakiramdam ko‟y nasa loob ako ng freezer SA LAMIG DITO SA BAGUIO!
 _______5. Ikaw ay isang tala sa aking paningin.
 _______6. Bumaha ng handa sa kanilang bahay noong kaarawan ni Kapitan.
 _______7. Lumilipad na naman ang isip ni Robert.
 _______8. Para kang latang walang laman.
 _______9. Nalaglag ang puso niya sa tuwa nang malamang nakapasa siya sa Board.
 _______10. Si Benhur ang susi sa kaso ng PDAF Scam.
V. Pag-unawa:
             Katulad ng pintor sa tula lahat tayo ay may angking talento, kailangan lamang nating suriing mabuti ang ating mga sarili. Sa pagsusuri ng sarili, mayroon kang matutuklasan. May mga kakayahan kang hindi dapat itinatago subalit dapat na ibinabahagi .Alam kong marami kang talentong dapat gamitin. Halika at itala mo ang iyong mga natatanging talento at isulat mo rin kung paano mo ito ibabahagi at palalaguin. 
Mga Talento ko:
1. ___________________ 
2. ___________________ 
3. ___________________ 
4. ___________________
Gagawin ko mula ngayon ang mga sumusunod:
 1. ________________________ 
2. ________________________ 
3. ________________________
 4. _______________________
VI. Susi ng kasagutan 
Pagganyak:
1. Pagwawangis
2. Pagtutulad
3. Pagsasatao
4.Pagsasatao
5. Pagmamalabis
Test IV. Gawain Pagtukoy sa Tayutay:
1. Pagtutulad 
2. Pagwawangis
3. Pagsasatao
4. Pagmamalabis 
5. Pagwawangis 
6. Pagmamalabis 
7. Pagsasatao 
8. Pagtutulad 
9. Pagmamalabis 
10.Pagwawangis 

Ref.https://panitikanandbalarila.wordpress.com/2014/07/21/tayutay-figures-of-speech/
https://btviola719.files.wordpress.com/2014/07/exemplar-2-sa-filipino-grade-7.pdf

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Morpolohiya at ang Morpema

Pandiwa

Antas ng Wika