Pandiwa
Pandiwa Ang pandiwa o verb sa wikang Ingles ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan. Isa ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech na nagbibigay buhay rin sa isang pangungusap. Uri ng Pandiwa Ang pandiwa ay may dalawang uri; ang Palipat at Katawanin. 1. Palipat Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”, “sa”, “sa mga”, “kay”, o “kina”. Halimbawa: Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez. Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana. Si Mang Berto ay lumilok ng palayok. Sinuotan ng damit ni Bea ang kanyang manika. Nagpadala ng mga pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto. Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista. Nagsampay ng damit si Clara. Na...